Outing namin sa “Grotto Vista”

Gandang Hapon sainyong lahat.. 🙂

may kwekwento aku sainyo… gusto mo bang malaman?? kung ganun, eto na…

pano ko ba uumpisahan? ah!! lam ko na… makinig ka huh???

nung lang nakaraang sabado May 11, 2013.. may outing kami sa “Grotto Vista” dito lang sa bandang bulacan, nung mga bandang 6-7am ng umaga tinatamad pa ako kumilos kc wala ako halos tulog.. kaya lang no choice, pag di aku sasama mag tatampo ang mga classmates ko, kaya un ligo mode agad agad…. ganda nga nung panahon nung araw na yun tag ulan… kaya un di ko alam kung pano ko dadalhin ung mga bitbitin ko.. kc mag iinihaw na bangus kami, eehh aku yung nag prisintang mag dala kaya un di mag kanda ugaga ang ate mong mag hanap ng payong… eto pa nung sasakay na aku sa traysikel, maya maya habang umaandar bigla ba namang huminto ung ulan ay!! yamut ako eehh.

nung bumibiyahe na akong papunta sa “grotto vista”, nag iisip ako kung bibili narin ako ng bangus na isda bago pumunta dun sa pag kakakitaan namin ng mga classmates ko, kaya lang ang bigat na ng dala ko.. kaya un, pumunta muna ako dun sa resort at pinadala ko muna ung ibang gamit na dala ko dun sa isa kong classmate sa cottage namin,. tapos bumalik na ako sa palengke para bumili ng bangus na isda… eehh biglang nagutom yung alaga ko sa tiyan, kaya un bumili muna ako ng value meal sa “Jollibee” tungko. nung nakabalik na ako sa resort nag bayad na kami ng mga classmates ko ng entrance fee para makapasok na sa loob.. nung nakapunta na ako sa cottage namin, nilapag ko muna lahat ng hawak ko, at inumpisahan na ng iba kong classmates na ayusin ung iihawing isda.. habang ako, kakain muna ng binili ko, ang magagaling kong ibang classmate, un nauna pa sakin, buti nalng tinirah nila ung spaghetti sakin, unagaw ko na baka di pa aku makakain, an tatakaw kc nila hehheheh, nasa cottege pa kasi nila mami, ung mga pinaluto naming pag kain. kaya tag gutom talaga ang lahat..

maya maya, yung tatlo naming kaklase pumunta na sa cottage nila mami, para nga kunin na yung mga pag kain, at nung nakabalik na sila, un umpisa na ang kainan, buti nalang pala bumili ako nung umaga sa “jollibee” kasi wala palang basong nadala kaya ung naubos ung laman ng plastic cup, un binanlawan nila at un ang nag silbing baso ng lahat… buti nalng may dadating pang dalawa naming kaklase sa resort, at tinanong nila kung may ipapabil ba kami kaya un ni replayan na nila ung kaklase naming pupunta para mabili na ung mga kailangan pa naming gamit…

ung iba, umaga palang nag umpisa na silang mag swimming, at ung iba un tambay mode at kain kain muna sa cottage, tinatamad pa kasi kaming maligo, lalu na aku kc antok pa aku nung sobra… pero ng makalipas na mga oras un naki join narin ako, nainggit na ako eehh,, hahhahha… un nag lalaro laro kami, ung mga buang kong classmate pinupunta ako sa malamim na pool kasi lam nila na di ako marunong lumangoy kaya todo kapit ako sakanila… natatawa ako sa sarili ko kc sa tuwing mag i slide ako at pag dating sa baba grabe para akong nalulunod, sabay nasira pa yung pantali ko sa buhok ay kayamot….

si mami, hindi namin masyadong nakasama kasi abala din syang mag bantay sa mga anak nya…pero syempre pag may pag kakataon pumupunta si mami samin para makipag laro at makipag kulitan…

yun buong mag hapon kami nakalublob sa pool, minsan pa ahon ahon din pag trip ngumata ng pag kain tapos balik na din sa pool… nung dumating na yung iba pa naming kaklase un tambay muna kaming lahat sa cottage para kumain kwentuhan sabay balik sa pool… hahhahahha…

nung mga bandang hapon, nag karoon ng show sa resort at ang mga host ay mga “BEKY”, tatlo sila.. yun nag pa laro sila, bentang beta nga yung kantang “GENTLE-MAN” at “GIVE ME GIVE” ba un, di ako sure sa title, pero grabe talaga yung tawa ko… nung natapos na yung show un ahon muna yung iba isa na aku, kakain kain muna … hahhah hayahay nga sa pag kain… pag katapos lang ata nung isang oras un bumalik na ung tatlong host… nag pa games ulit sila…. pangalawa sa pinaka huling games ata un nakuha ung dalawa naming kaklase para mag laro dun sa challenge ng mga host.. grabe tawa namin kc nag gwigwiyomi sila… kung ano ung ginagawa nung dalawang host gagawin dapat nung mag partner na contestant… yun trip ng isang host ung isa naming kaklase ang daming pinagawa na kalokohan… kami naman grabe tawa namin…

mga bandang mag gagabi na nag umpisa na akong maligo kc nakakaramdam na ako ng panganagti, galing sa pool… ay grabe.. mga 30 minutes mahigit ako tumambay sa shower room nag linis talaga ako ng buong katawan ko.. kc nayayamot na ako sa kati kati.. nung nakabalik na ako sa cottage namin, un kwentuhan mde muna kami, bago umuwi ung iba di pa nag babanlaw kc mag lalaro pa sila… kaming tatlong naiwan sa cottage kwentuhan mode, sabay iglip konti… kakapagod kasi…. nung mga quarter to 8pm na un nag si banlawan na sila para makauwi narin kami….

ung iba naming kaklase nag si uwian na nung mga bandang hapon.. ksi pina uuwi na sila sa bahay nila. nung pauwi na kami hnatid muna namin yung dalawa naming kaklase kai malapit lang ung bahay nila sa resort na pinuntahan namin.. nung maihatid na sila, sumakay na ung dalawa naming kaklaseng lalakesa bus ata un, kc layu pa ng uuwian nila… at kaming mga naiwan 5 pala kami, ung sabay sabay na kaming sumakay sa isang jeep kc medyo mag kakalapit naman ung mga lugar ng bahay namin…

maraming salamat sa mga kaklase ko dami kong saya buong mag hapon.. sana maulit pa…

yun, natapos din aku…. nagustuhan mo ba kwento ko??? salamat nga pala sa pag basa huh????

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s