Hotel Elizabeth in Baguio City (Philippines)

Image

 

 

Gandang hapon po sa lahat… un gusto ko lang i share kung anong naging experience ko nung pumunta kami sa BAGUIO CITY kasama ng buong pamilya ko last last year ago.

 

kung di ako nag kakamali last dec. 27. 2011, nung umuwi si papa dito sa bulacan, may good news sya.. sabi nya samin na pupunta kami sa Baguio kasi gusto daw makita ng boss ni papa ang kanyang pamilya… siguro dahil maganda ung performance ni papa sa trabaho nya un binigyan sya ng chistmas gift ng boss nya. na makauwi samin at i pasyal kami sa baguio city, at sagot lahat ng boss ni papa yung bill namin sa hotel na tinutulayan namin ng hanggang 3days. 

mahigit 6 hours din kami bumiyahe nung gabi.. grabe yung pangangawit ko nun kaka upo… mga 11pm ata kami umalis ng bahay, tapos nakarating kami sa hotel ng mga bandang 6am ng umaga.. nung oras na yun hinihintay pa namin ung anak ng boss ni papa kasi si tita ang mag checheck in samin sa hotel…

grabe nung nakapasok na kami sa loob.. ang ganda ganda talaga hindi lang sa labas pati sa loob kitang kita ang kalinisan ng hotel elizabeth. tapos yung mga nag se service na mga tao dun ang babait at ang gagalang… grabe yung decorations sa palibot ng hotel ang gaganda.. at andun pa sa main entrance ng hotel nila ung giant Christmastry nila punong puno ng decorations at chistmas lights… nung pumunta na kami sa kwarto namin pang apatan na tao ang bawat room kaya nakahiwalay sila mama at papa sa kwarto namin…

tapos every morning lang ang libreng eat all you can buffet sa elizabeth hotel… kaya tuwing tanghale at gabi, lumalabas kami sa hotel at nag hahanap ng makakainan… un sulit na sulit naman ang pag punta namin dun… sila mama at at yung tatlo kong kapatid habang nag llibot kami sa baguio, pinupuntahan din nila yung mga UKAY-UKAY sa parang palengke nila dun.. un marami naman silang napamili… ako naman mukhang pag kaen… kaya pag may nakikita akong parang masarap un papabili aku agad agad.. hahahhaha…

tapos pag nakabalik na kami sa hotel yung iniwan naming magulong kwarto pag balik namin sobrang linis na ulit… kaya gandang anda ako sa hotel na yun… at yung cable ng t.v nila ang daming channel sobrang dami mong pag pipilian… at yung shower nila ganda din kahit simple lang .. merong cooler at heater, at meron pang hair drier … at pag lumabas ka ng bintana ganda ng view umaga at gabi man… grabe parang mas malamig pa sa labas ng hotel kaysa sa loob.. grabe yung temperature dun dinaig ang air-con… ahhahahhaha…. at nung papa uwi na kami, tuwing may nakakasalubong kaming mga nag seservicesa hotel… nag bababye sila.. yun maayos sila maki tungo sa mga bisita nila sa hotel.. kaya sana maka punta ulit kami dun… 

 

un tapos na akong mag kwento.. na bagod ka ba kakabasa sa article ko?? sana di naman… MARAMING SALAMAT, sa pa basa sa uulitin ulit… 🙂

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s